Maglulunsad ng intensibong hakbang ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang sugpuin ang illegal gambling operations sa bansa.
Tiniyak ito ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kay PCSO General Manager Mel Robles. Ayon sa hepe ng pulisya, mahigpit niyang ipapatupad ang one-strike policy sa mga police commander na mabibigong pigilan ang illegal gambling activities sa kanilang mga nasasakupan.
Dahil dito, kampante ang PCSO na mas mapaglilingkuran ng kanilang ahensya ng maayos ang publiko at makakalikom ng mas mataas na pondo sa mga susunod na buwan.
Ipinaliwanag ni Robles na napupunta sa kamay ng mga illegal gambling operators ang kita na dapat ay napapakinabangan sana ng publiko mula sa iba’t-ibang programa ng gobyerno.
“In turn, those losses deprive poor Filipino citizens of the health care and other benefits that the PCSO provides,” wika ni Robles.
“The agency is working hard to remain a socially responsible organization that provides assistance to the most vulnerable members of society,” dagdag nito.
Nanawagan naman si Robles sa publiko na tangkilikin lamang ang mga PCSO-sanctioned games tulad ng Lotto, Scratch It at Small Town Lottery at ipaalam sa mga awtoridad ang anumang mamamataang illegal gambling operations.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.