14-ANYOS PINAGBINTANGAN, BINUGBOG, NA-COMATOSE!
Umusok sa galit si Ben Tulfo nang mapanood ang viral video ng isang 14-anyos na binugbog sa Pasig City.
Napagbintangan daw si alyas “Ken” na nagnakaw ng gasolina sa kanilang lugar. Pero walang sabi-sabi, isang lalaki ang biglang sumugod at ginulpi ang pobreng menor de edad.
Dahil sa matinding tama sa ulo at sikmura, nawalan ng malay si “Ken”.
Sa programang #ipaBITAGmo, isinalaysay ng ina na si Analiza ang paghihirap na pinagdaanan ng kanyang anak.
Dinala pa muna si Ken sa barangay hall para ipa-blotter bago pa siya isugod sa ospital.
Kwento ng ina, nang mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang anak ay sila pa ang nagdala sa ospital.
Ilang araw daw na-comatose si “Ken” at kinailangan din operahan sa ulo para maalis ang namuong dugo.
Nakaligtas man sa kamatayan, masakit para kay Analiza ang makitang naghihirap ang kanyang anak.
Aminado man na may katigasan ng ulo si Ken, pero kahit kailan hindi daw nila ito pinagbuhatan ng kamay. Kaya labis ang galit at hinagpis nila na ibang tao pa ang nanakit sa kanyang anak.
Ayon naman sa isang testigo, pinagbintangan daw si Ken ng homeowners association president Albero Gumate na nagnakaw ng gasolina sa kanilang lugar.
Habang hawak daw ni Gumate si Ken, saka dumating ang pamangkin niya na si Edgardo “Doi” Aro Jr. at walang ano-ano’y inundayan ng suntok sa ulo ang binatilyo.
Tinawagan ni Ben Tulfo si Gumate, pero ang live-in partner nito ang sumagot.
Nagmakaawa pa ito sa na huwag isama sa asunto ang kanyang kinakasama dahil hindi naman daw ito ang nambugbog.
Hindi ikinatuwa ni Tulfo ang kanyang naging sagot dahil pinapalabas na sila pa ang biktima.
Nagbigay ng taning si Tulfo na humarap ang dalawang inirereklamo, dahil kung hindi ay magbibigay siya ng pabuya sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga ito.
Sa sumunod na araw, humarap sa programa ang mga inirereklamong sina Gumate at Aro.
Hindi napigilan ng ina ang emosyon nang makita ng personal ang bumugbog sa kanyang anak.
Hindi rin sila nakaligtas sa hagupit ni Tulfo.
Inilapit na din ng BITAG sa ACT-CIS ang reklamong ito at nangako na tutulong upang masampahan ng kaso sina Gumate at Aro.
Panoorin ang 3-Part episode ng sumbong na ito:https://www.youtube.com/watch?v=pgN963lOyBA&fbclid=IwAR1CqUuhjDCpefVWrZvLiHUB8WjRbE3a1CtffdTdEyiScIa1jJoGljiv94w&ab_channel=BITAGOFFICIAL
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.