Parang maamong tupa nang lumapit sa BITAG si Armando Agaton Jr. at kanyang inireklamo ang sariling misis.
Ang kaniya raw misis ay pinagpalit siya sa isang mamang pulis.
Bata pa lamang daw nang sila’y naging mag-asawa, 19 taong gulang si Armando at 18 anyos naman si misis kaya ang hinanakit ni Armando sa BITAG, habang tumatagal ay tila lumalamig daw ang kanilang relasyon.
Dalawang beses na raw nahuli ni Armando na nangangaliwa si misis.
Subalit nang makausap ni Mr. Ben Tulfo si misis – nuknukan daw ng seloso at butangero si Armando.
“Sinampal niya ako tumakbo ako sa kwarto at hinatak niya yung buhok ko at inuntog-untog ako sa semento, yung mga sugat ko sa likod ‘yan po yung mga bugbog niya, suntok at padyak po,” paliwang ni misis sa BITAG.
Makailang beses na rin daw siyang tinutukan nito ng kutsilyo kaya si misis, tumakas kasama ang kanilang bunsong anak at ayaw na niyang bumalik kay Mister.
Samantala, hindi nagustuhan ni Mr. Ben Tulfo ang pagsisinungaling ni Armando.
“Ang lakas mo magsumbong, butangero ka pala! Naawa ako sayo nung una akala ko tinorotot ka at naghihirap ka, ‘yun pala wife beater ka pala! Huwag ka magpa-kampi sa akin,” ani Tulfo
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG;
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.