Nasibak sa trabaho ang isang company supervisor matapos itong masangkot sa isang away opisina nang dahil lamang sa bundy clock.
Lumapit sa BITAG ang 58-anyos na si Jessie Habungan matapos siyang tanggalin sa trabaho ng kanyang kumpanya na Standard Corrugated Box, Inc. na nakabase sa Valenzuela City.
Ayon kay Habungan, pinatawan siya ng termination ng pamunuan ng kanyang kumpanya dahil sa nangyaring suntukan sa pagitan niya at ng kanilang messenger na si Sherwin Celorico noong April 1, 2023.
Subalit depensa ng bisor, sinuway lamang daw nito ang kanyang katrabaho dahil pinaglalaruan nito ang kanilang bundy clock.
“May kasalanan daw po ako na nanuntok din ako sa katrabaho ko e dinepensahan ko lang yung sarili ko” wika ni Habungan.
“Sa pagsaway ko, ganito pa ang napala ko. Napasama ako. Nagmalasakit lang naman ako sa kumpanya,” dagdag nito.
Nagbigay naman ng panig si Celorico kay Ben Tulfo hingil sa reklamo ni Habungan laban sa kanya.
“Sinabihan niya ako ng hindi maganda e, tapos pagkatapos nun bigla niya nalang ako hinatak. Kaya ko siya nasapak dahil hinatak niya ako, wika ni Celorico sa telepono. “Sa totoo lang sir marami ng reklamo sa kanya.”
Hindi naman lumusot kay Tulfo ang mga paliwanag ni Celorico na siyang umamin na unang nanuntok sa nangrereklamong bisor.
“Makinig ka, yung ginawa mo hindi tama. Yung posisyon mo mababa, messenger ka ang sinuntok mo bisor. Sabihin natin mali rin to (yung bisor), bakit ka nagbitiw ng suntok?
“Hindi mo dapat sinusuntok ang bisor. Maliban na lamang kung sinuntok ka, gumanti ka pero ikaw ang unang nagbitiw ng suntok e,” dagdag nito.
Pinayuhan naman ni Tulfo ang nagrereklamong bisor na maaari itong dumulog sa Department of Labor and Employment (DOLE) kung sa tingin nito ay hindi naging patas ang kanyang kumpanya sa nangyaring pagtanggal sa kanya sa trabaho.
“May karapatan kang ikwestyun yan –yung ginawang pagtanggal sayo – pwede mong kwestyunin ‘yan sa labor,” payo ni Tulfo.
Samantala naglabas ng pahayag ang Standard Corrugated Box, Inc.. Napag alaman ni Tulfo na hindi ito ang unang beses na may nagawang paglabag ang nagrereklamong si Habungan sa kanilang kumpanya.
“Before your fist fight, your fellow co-workers have witnessed how you threw bad words at each other, including threats and insults, made within the company premises. These actions, particularly saying bad words that led to a fist fight -serious misconduct under our company rules and regulations,” saad ng kumpanya.Ito naman ay mariing itinanggi ni Habungan.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.