Hindi matatawaran ang kabayanihan na ipinakita ni Henry Acorda na isang overseas Filipino worker.
May 26, 2018 papauwi galing isang party si Acorda na isang financial analyst sa Slovakia nang makita nito ang isang kaibigan na Pinay na pilit umanong isinasakay sa taxi ng lalaki na nakilalang si Juraj Hossu, isang Slovak national.
“Si Henry ay namagitan so he said no please stop because he [Juraj] was harassing the Filipina. Nung pinigilan niya itong Slovak national, he became very violent,” wika ni Philippine Ambassador to Austria Ma. Cleofe Natividad sa Bitag.
Sa kuha ng CCTV, makikitang tumilapon si Henry matapos itong suntukin sa mukha ni Juraj. Habang nakaluhod, sinundan pa ito ng malakas na sipa sa ulo ng suspek na naging dahilan upang mawalan ng malay si Henry.
Bukod dito, ilang ulit din pinagsasampal ng suspek ang nakahandusay na si Henry at inapakan sa dibdib habang kinukunan ng litrato.
Samantala, sumaklolo naman ang ilang Slovak national na nakakita sa insidente at inawat ang suspek.
Agad silang tumawag ng ambulansya at isinugod sa ospital si Henry kung saan binawian na din ito ng buhay limang araw matapos maganap ang pambubugbog.
Sa pagpanaw ni Henry, nagtipon ang nasa 5,000 na Slovak national para sa isang martsa upang ipaabot ang kanilang pakikiramay at suporta sa agarang pagkamit ng hustisya para kay Henry. .
“This is really the first time that it has happened to a Filipino in Slovakia. The Slovak republic is a very peaceful country maliit lang ito na bansa, maayos, mapayapa, and so they were really shocked and they totally condemned this unfortunate incident,” ani Natividad.
Panoorin ang buong istorya:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.