Taong 2018 namatay ang ina ng balut vendor na si Anelyn Basindanan.
Sa huling lamay ng kanyang ina, nanghiram ng isang libong piso ang tiyuhin niya na si Eduardo Tiangson upang tumaya sa pasugalan.
Ngunit nang singilin ni Anelyn ang tiyuhin, imbes na magbayad ito ay nagwala at nagalit ito.
“Nagmamakaawa po ako na bayaran ako kasi wala kami pambili ng bigas at ng ulam pero sinigawan niya po ng malakas at sinabing umalis na po ako…kasi hindi siya magbabayad,” paliwanag ng balut vendor.
“Kinuha niya ang pera sa wallet niya at sinubo niya sa bibig ko ang pera..pero nalaglag ang pera tapos inapakan ng tiyahin ko…inagaw ko sa paa ng tiyahin ko yung pera” dagdag pa niya.
Dahil dito ipinatawag sa barangay ang dalawang panig ngunit hindi raw sila nagkasundo magtiyuhin.
“Humingi po ulit ako ng tawad kahit wala ako kasalanan..pero ang gusto ng tiyuhin ko lumuhod at halikan ang paa niya” ika ni Anelyn.
Kahit na labag sa loob ni Anelyn ay lumuhod siya at hinalikan ang paa ng kanyang tiyuhin, natatakot daw kasi siyang makasuhan at makulong.
Samantala, nakita at narinig daw ni kapitan ang buong pangyayari at ayon kay Anelyn sinangayunan daw ito ni kapitan.
Dahil dito, tinawagan ni Mr. Ben Tulfo ang inirereklamong kapitan, hindi nakapagpigil ng galit ang host at kinumpronta ang kapitan.
“Makinig ka kapitan, mali ka dito, hindi kita sasantuhin kahit na anong palusot mo, kahit na makipagtulungang ka sa Mayor o sa Gobernador ninyo, mali ka dito! Hindi mo trabaho na utusan ang mga constituent mo na lumuhod para lang sa utang! ‘Wag na ‘wag kang magpapaluhod ng tao, hindi pwede lumuhod ang tao sa kapwa tao!” paliwanag ni Mr. Ben Tulfo sa inirereklamong kapitan.
Ang buong imbestigasyon ng BITAG, panoorin;
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.