“SALAT”. Dalawa ang ibig sabihin ng salitang ito.
Una, ay ang pagiging kapos sa kaalaman, kapos sa pananalapi, pagkain at tirahan, sa madaling salita, mahirap.
Ikalawa, ay pagkapa ng gamit ng iba na walang pahintulot. Ginagamit ang pag-salat upang makapag-nakaw.
Taong 2014, na dokumento ng BITAG ang mga “salat” sa iba’t ibang lugar partikular sa lansangan ng kamaynilaan.
Sa Bonifacio Drive sa Maynila, naaktuhan ng BITAG ang grupo ng mga kalalakihan na kinukuyog ang mga bumababa sa pampasaherong dyip patungo sa Pier.
Kunwari, tutulong buhatin ang mga bagahe ng kanilang bibiktimahin. Pero pa-simpleng isasagawa ang pag-sasalat o pagnanakaw sa biktima.
Ayon sa tip na lumapit sa BITAG, matagal nang namamayagpag ang aktibidades ng grupong ito sa Pier 15 sa Manila South Harbor.
Kabisado ng grupo kung kailan ang dating ng barko, umaga man o gabi. Kaya alam din nila kung kailan nila sasamantalahin ang pambibiktima.
Hanggat patuloy ang paglobo ng mga salat sa lipunan, patuloy na dadami ang mahuhulog sa bitag ng kasamaan at krimen
Panoorin ang reyalidad sa totoong buhay sa isinagawang imbestigasyon ng BITAG sa mga grupo ng “Salat” sa Maynila.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.