Dumulog sa #ipaBITAGmo ang isang seaman na si Jayson, hindi niya tunay na pangalan, noong May 2, 2023 upang ireklamo ang isang health insurance company sa Maynila.
Kwento ni Jayson, palabas na siya sa pinag-aplayan agency nang biglang lapitan siya ng isang ginang at inalok na mag fill -up ng form.
Bagamat ilang beses niya itong tinanggihan, naging mapilit pa din daw ang ginang.
Pumayag na din si Jayson at sulatan ang nasabing form, ngunit matapos niyang fill-upan ito, nilapitan siya ng isa pang babae. Nagpakilala itong officer ng isang health insurance company.
Niyaya si Jayson sa opisina nito at dito nakaharap ang ahente ng nasabing insurance company.
Dito na pinaikot-ikot si Jayson tungkol benepisyo makukuha daw niya sa health card.
Hiningi naman ng ahente ang seafarer’s ID ni Jayson upang malaman ang address niya. Sa kasabay na pangyayari ay nagtanong ang ahente kung magkano ang kaya niyang ibigay para sa pag avail ng health card ngunit ayaw parin bumili ni Jayson.
Agad siyang hinihingan P16,000, pero dahil walang siyang pera, kahit isang libo pwede na raw bilang downpayment.
Ngunit ayaw parin mag avail ni Jayson dahil hindi naman niya kailangan.
Di kalaunan ay may lumapit naman na manager ng insurance company upang pilitin na bumili ng health card ngunit sa pagkakataong yun ay tinakot na si Jayson na hahantingin ito kung hindi kukuha ng health card.
Dahil ditto ay napilitan na din siyang magbigay ng P1,000 bilang paunang bayad.
Sinubukan din ni Jayson na kunin ang kanyang Seafarer’s ID ngunit hindi ito binigay ng ahente bagkus kailangan pa nitong kumpletuhin ang natitirang P15,000.
Noong May 8, nakatanggap si Jayson ng text message sa health insurance company na kailangan niyang pumunta upang bayaran ang natitirang P15,000 at makuha ang kanyang seafarers ID.
Imbis na pumunta ay lumapit ito sa tanggapan ng BITAG upang humingi ng tulong.
Ang buong istorya, abangan sa #ipaBITAGmo.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.