Enero 23, 2021 bumili ng motor ang 27-anyos na si Melchor Cuebellas sa Honda Motorista Motors Branch sa Guiguinto, Bulacan. Gagamitin niya ang motor sa kaniyang trabaho bilang Shopee delivery driver.
Subalit, ang kabago-bagong motorsiklo, hindi magamit ni Melchor dahil ang plaka nito, nakaalarma sa Land Transportation Office (LTO). Kung hindi pa niya kinumirma sa casa, hindi nya pa malalaman.
Ayon sa liaison officer ng casa na si Eric Cruz, dati silang nilooban at kasamang tinangay ng mga kawatan ang mga plaka kaya lahat pinaalarma raw nila. Pero, ngayong may nagrereklamo na, gagawan na raw nila ng paraan maalis na ang alarma. Ini-report na rin daw ito ni Eric sa kanilang head na palitan na lang ng bagong unit ang motor para matapos na ang problema.
Ang nakakatawa, saka lang umaksyon ang Honda Motorista Motors Guiguinto branch noong nagsumbong na sa #ipaBITAGmo si Melchor. Sinubukan ding tumawag ng BITAG sa LTO Region 3, agad naman inalis ng mga awtoridad ang alarma.
“Ang problema sa inyo d’yan sa Honda Motorista, ang dami niyong satsat, ang dami niyong daldal. Kung hindi pa pumunta sa amin siguro katakot-takot na paliwanag ang gagawin niyo.” galit na pahayag ni Ben “BITAG” Tulfo.
Ang buong istorya, panoorin sa
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
A housewife from Calamba, Laguna won the MegaLotto 6/45 jackpot prize amounting to ₱30, 221,
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.