Lumapit sa #ipaBITAGmo si Rommel Onez para ireklamo ang pinapasukan nitong Philippine Fishing Gear Industries inc. sa Valenzuela City.
Ayon kay Onez, September 11, 2022 habang siya’y nagtatrabaho sa kanyang istasyon sa dyeing machine ay bigla na lamang itong sumabog.
Nagtamo si Rommel ng 3rd degree burn sa ibat ibang parte ng kanyang katawan.
Nagbigay naman daw ng tulong pampa-ospital ang kumpanyang pinagtatrabahuan nito pati na rin sa insurance at agency.
Ngunit inabisuhan siya ng doctor na kailangan ulit nito na ipagamot ang nalapnos na balat dahil maaari raw itong tumigas.
Lumapit ulit siya sa kanyang pinagtatrabahuan ngunit nahihirapan siyang manghingi ng tulong at paulit ulit na sinasabi sa kanya na ipa-follow up pa sa may-ari.
Sinubukang tawagan sa programang #ipaBITAGmo ang representative ng Philippine Fishing Gear Industries ngunit hindi naman ito sumagot.
Agad namang tinawagan ng Bitag ang Supervising Admin Officer ng BPLO Valenzuela Angelina Reyes upang alamin kung rehistrado ba ang nasabing kumpanya.
“Base po sa aming record, tinitignan po namin kung ano po yung status ni Philippine Fishing Gear, siya po ay napagkalooban po ng business permit at updated naman po sa pagbabayad since early 1996,” ani Reyes.
“Kung tungkol naman sa mga usapin na pan-tao katulad po niyan na mayro’n pong nasaktan, maari po namin kayong ilapit sa aming Workers Affairs Office para po matulungan,” dagdag na sinabi ni Reyes.
Ayon naman kay Roque Manalgo ng Workers Affairs Office ng Valenzuela City, sinabi nito na maaring lumapit si Rommel Onez sa kanilang tanggapan habang ipatatawag din ang kabilang panig upang magkaroon ng amicable settlement.
Agad namang napag-desisyunan na sasamahan ang complainant sa Workers Affairs Office ng Valenzuela upang doon na lamang ayusin ang kanilang problema.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.