SANTIAGO ISABELA – Isang millennial working student ang lumuwas pa ng Maynila maipaabot lang sa #ipaBITAGmo ang paninigaw, pamamahiya ng kaniyang amo.
Hindi na raw niya matiis ang ugali ng kaniyang amo at toxic daw umano sa kanilang kumpanya kaya’t hindi na siya pumasok pa.
Si Joanna Marie Balabbo, nagtatrabaho bilang isang petty cash custodian sa isang supermarket sa umaga. Sa gabi, siya ay nag-aaral ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management.
Apat na taon na raw siyang nagtitiis sa kaniyang trabaho upang masustentuhan ang kaniyang pangangailangan sa pag-aaral.
Ngunit, hindi niya tanggap ang pagmamalupit ng kaniyang amo.
“Kaya nga po ako nag-aaral, nagpursigi po ako mag-aral para po makaalis sa company dahil grabe ang harassment na ginagawa nila.” Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Joanna sa BITAG.
Dagdag pa nito, inakusahan siyang nag-AWOL kahit na nagpaalam raw itong pumunta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang kumuha ng education financial assistance.
Sinabihan din daw siyang sinungaling at manloloko ng kaniyang amo. Pinahiya, pinagsisigawan sa kanilang trabaho matapos hindi maibigay ang hinihinging report.
“Bullying tactic na ‘yan, kasi alam ng amo mo na hindi ka lalaban. So paano ka magiging tapat kung ikaw ay iniinsulto, pinahihiya, binubully, tinatakot. ‘Di na humility ‘yun. Pang-aapi na ‘yun.” Saad ng program host na si Ben Tulfo.
Tinawagan sa #ipaBITAGmo ang inirereklamong amo ngunit hindi naging maganda ang sagutan nila ni Ben Tulfo.
Ang mga sumunod na eksena panoorin:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.