Taong 2017, ikinabahala ng BITAG ang impormasyong ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ginagamit daw ng sindikatong nagpapakalat ng high-grade liquid ecstasy ang mga colleges student para gawing dealers, distributors o asset ng iligal na droga. Ayon sa PDEA, “iskolar” ang tawag sa kanila.
Tulad ng mga literal na iskolar, pino-pondohan ng mga sindikato ang mga “iskolar” nila. Pinag-eenrol ng ilang subjects sa mga unibersidad at kolehiyo upang madali lang na makapaghikayat ng ibang estudyante.
Mapanganib ang dulot ng liquid ecstasy lalo sa mga kababaihan. Ilang patak lang nito sa anumang inumin, talab agad. Kilala din ito sa tawag na “millennial drugs”. Ginagawa nila ang party sa loob ng isang hotel room na mauuwi sa “sex orgy” o group sex.
Isa din sa krimen na epekto ng paggamit ng liquid ecstasy, ang date rape. Napatunayan ang impormasyong ito nang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek na nasa likod ng bentahan ng liquid ecstasy.
Matagumpay na naisagawa ang buy bust operation. Arestado ang dalawang suspek.
Kinabukasan matapos ang isinagawang operasyon, lumapit ang kamag-anak ng isang suspek sa PDEA. Nag-alok ng isang milyon piso kapalit ang kalayaan ng kaniyang suspek.
Panoorin ang maaksyon operasyon ng BITAG:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.