Habang dumarami ang naghahanap ng oportunidad, marami din ang naglipanang oportunista.
Ito ang sumbong ni Elesio Berte Jr. sa BITAG kay Ben Tulfo. Ang siste, naloko raw siya ng kaniyang nakilala sa social media.
Taong 2018, nakilala raw ni Elesio ang nagpakilalang si Liza Samar sa isang social media habang siya ay naghahanap ng trabaho.
Pakilala ni Liza kay Elesio, siya raw ay nagtatrabaho sa Romania at matutulungan si Elesio magkaroon ng trabaho sa nasabing bansa. Siya na rin raw ang magpo-proseso ng kaniyang VISA. Inabot ng 17,600 pesos at 250 euros ang hiningi sa kaniya para sa pagproseso ng kaniyang VISA.
Base sa pag-iimbestiga ni Ben Tulfo, napag-alamang siya pala ay isa sa mga biktima ng tinatawag na “Romance Scam.”
Nahumaling si Elesio kay Liza at binigay ang tiwala. Kaya hindi na siya nag-alinlangang magpadala ng pera.
“Kung hahanap ka ng trabaho sa ibang bansa, siguraduhing makipag-ugnayan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa lehitimong trabaho. Wag maniwala agad sa mga nakikilala sa social media. Ngayon, alam mo na. Malaya ka na. ‘Di ka na pwedeng maloko,” payo ni Ben Tulfo.
Marami raw natutunan si Elesio mula kay Ben Tulfo at nangakong magiging paladuda sa lahat ng oras.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.