Nagtamo ng pilay sa paa at bugbog sa mukha ang isang barangay staff matapos itong harangin ng tatlong lalaki dahil sa maingay ang tambucho ng motor ng biktima.
Dumulog sa BITAG ang 29 anyos na si Mark Anthony matapos siyang pagbubugbugin ng tatlong kalalakihan na miyembro daw ng organisasyong “AKRHO” dahil lamang sa maingay ang tambucho ng kaniyang motor.
Ayon kay Mark, September 4, 2022 ng gabi, pauwi na ito galing sa kanyang trabaho ng sundan siya ng tatlong lalaki na nakasakay sa motor.
Una’y pinagsisigawan si Mark ng tatlong lalake hanggang sa habulin siya. Ng maabutan ng tatlo si Mark ay bigla na lamang pinag-susuntok at tinadyakan sa ibat ibang parte ng katawan ang barangay staff.
Pinagmalaki pa ng tatlong lalaki na silay miyembro ng Alpha Kappa Rho o “AKRHO” at si Mark ay isang barangay staff lamang.
Dinala sa barangay ang dalawang panig upang magkaroon ng kapaliwanagan. Ang sabi naman ng Barangay Captain ay paguusapin ang dalawang panig ngunit hindi na dumalo pa ang tatlong lalaki.
Nakausap naman ng BITAG si Emzie Doria, Secretary ng District 1 North Caloocan Council – Alpha Kappa Rho.
Ayon kay Doria, nagkaroon sila ng sarili nilang imbestigasyon at lumabas na si Mark ang lasing at nag-yabang pa na tao siya ni Kap.
Umamin naman si Mark na siya’y nakainom ngunit hindi sa puntong lasing na lasing katulad nung tatlong lalake na nambugbog sa kanya.
Idinagdag pa ni Mark na wala itong tililing para hamunin ng suntukan ang tatlong lalake.
Sa pangalawang hearing ay naka-attend naman ang tatlong miyembro ng AKRHO subalit hindi rin nakapag usap ang dalawang panig bagkus ay itutuloy na lamang sa lupon.
Sa pagkakaalam din ni Doria ay wala nang dumating na imbitasyon galing sa barangay.
Nasabi naman ni Tulfo na baka nabahag na ang butot ng mga taga barangay kung kayat hindi na sila nakapag padala ng imbitasyon sa AKHRO.
Sa huli ay nanawagan si Mark sa AKRHO pati na rin kay Doria na matulungan siyang makaharap ang mga tao na nambugbog sa kanya para matapos na ang problema.
Ipinaalala naman ni Emzie Doria na hindi nila kukunsintihin ang anumang maling gawain.
Idinagdag pa niya na magkita na lamang sa lupon ng barangay para maayos na ang problema ng dalawang panig.
ANG BUONG ISTORYA, PANOORIN
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.