“Nagpahirap sa mahihirap, lumayas na!”
Sa totoo lang, walang nagulat sa paglayas kahapon ni Atty. Jay Arturo Tugade bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO).
Marami pa ngang mahihirap ang natuwa dahil para sa kanila, wala na ‘yung taong nagpahirap sa kanila sa mga proseso sa LTO.
Saan ka naman nakakita, hepe ng ahensya pero tutulog-tulog sa pansitan. Saksakan ng kapabayaan, kapalpakan at katiwalian ang kaniyang bakuran.
Walang plastic card para sa driver’s license, anti-poor na proseso sa pagkuha ng lisensya ng mga first time applicant, at andaming mga gunggong na mga traffic enforcer.
Pati si Senator ‘Tol Raffy Tulfo, nasilip ang anti-poor na proseso sa LTO. Tinalakay ko rin ito sa BITAG Live at nag-Top 3 most viewed video sa BITAG Official YouTube Channel.
Marami pang mga kalokohan sa LTO na nahulog sa BITAG. ‘Kakahiya! Kumpleto ang files namin sa aming YouTube channel panoorin nyo nalang.
O, kayo dyan sa LTO, wala na yung palpakis na hepe ninyo. Umpisahan nyo na ang pagbabago.At kung sinumang talpulanong iuupo dyan, kami sa BITAG magbabantay lang. Maging ‘listo at ‘alerto ka para ‘yung mga tao mo hindi ka iiputan sa bumbunan!
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.