Binira ni Bitag Ben Tulfo ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa tila kapabayaan nito pagdating sa issue ng kanilang serbisyo.
Sa kaniyang “Bitag Live” program nitong Huwebes (May 25), kinuwestiyon ni Tulfo ang paraan kung paano kumita sa pamamagitan ng dibidendo ang NGCP.
Nasilip din ni Tulfo ang 50-year franchise ng NGCP na kanilang nakuha noong 2009. Sa tagal na sila ay nasa poder, tinuligsa ni Tulfo ang NGCP kung bakit hanggang ngayon ay nakararanas pa din ang ilang mga lugar sa Pilipinas ng matinding brownout.
“Hindi yan ang prangkisang ipinagkaloob sa inyo. Ang prangkisa ay katumbas ng sinasabing tiwala ng mga kliyenteng pinagsisllbihan ninyo – ang taong bayan,” ani Tulfo.
“Kung pag-uusapan po ang kinita ng NGCP na napupunta lang sa mga shareholders, sa bulsa po nila sa halip na paigtingin, bumili po ng mga sinasabing anumang reinvestment nang mapairal po yung sinasabing kalidad na hindi na po yung pupugak-pugak na tiis tiis muna kayo sa brownout. Hindi niyo ba naiintindihan yun?” dagdag ni Tulfo.
Sa ginawang senate hearing ng Committee on Energy Miyerkules (May 24), natuklasan ni Senator Raffy Tulfo na malaking bahagi ng kita ng NGCP ay napunta sa dibidendo ng mga stakeholders noong 2014, 2015, 2017 at 2019.
Sa P22.5 Billion na kita ng NGCP noong 2015, nasa P21 Billion o 93% ang napunta sa shareholders. 22 Billion ang kita ng NGCP noong 2014 ngunit 24 Billion ang ibinigay nito sa shareholders.
Noong 2017, P20.6 Billion ang kita ng NGCP, P19 Billion (92%) ang kinubra ng shareholders habang P15 Billion o 74% ng net income na P20.3 Billion ang naging dibidendo.
“Kayong nasa Energy Regulatory Commission, kayong dapat nag-aaudit dyan. Wala ba kayong mga mata?hindi ba kayo marunong magbilang ng pera? Magkano napupunta gobyerno? Kapiranggot lang. magkano yung kanilang inayos para sa serbisyo? Wala! Sinimot lahat!”, ayon pa kay Ben Tulfo. Kamakailan ay iminungkahi ni Tulfo na bawiin ng gobyerno ang majority ownership ng NGCP nang malaman niya na 40% nito ay pagmamay-ari ng State Grid Corporation of China.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.