All’s well that ends well.
Ito ang naging tema ng pagwawakas ng alingasngas sa pagitan ni vlogger Rendon Labador at Mr. Bitag Ben Tulfo.
Biyernes ng madaling araw nang mag-post ng video si Labador
“Pinuntahan ko siya kasi gusto ko siya makilala. Isa siya sa mga tao na tinitignan ko din na feeling ko mas makakaintindi sa akin. Isa siya sa mga tao dito sa Pilipinas na nakikita ko na mataas ang kredibilidad. May paninindigan. May isang salita,” ani Labador.
Sa nasabing video inamin ni Labador kay Tulfo na kung ano man ang naabot ni Bitag sa larangan ng public service ay gusto din maabot ng content creator.
“Isa sa pinakanagustuhan ko kay idol Ben Tulfo ay yung sincerity niya sa pagtulong sa mga mahihirap,” ayon kay Labador.
“Nakausap ko siya hindi bilang yung Ben Tulfo na nakikita ninyo sa Bitag. Nakausap ko siya parang bilang ama. Parang mentor,” ani Labador.
Pinayuhan din ni Tulfo si Labador na dapat mag-tone down dahil naiintindihan din niya na may magandang intension.
“Gusto ko po na humingi ng apology sa lahat ng Pilipino na nasaktan at naging emosyonal sa mga nangyari sa social media. Hindi ko po maa-assure kay Michael V. kay Coco Martin at sa lahat ng mga celebrity or atleta na nadamay sa lahat ng mga isyu na sinisita ko sa internet,” ayon pa kay Labador.
“Hindi kop o maa-assure na hindi ko kayo masasaktan ulit. Pasensiya na for being too straightforward. Ganoon talaga ko pinalaki ng aking magulang,” dagdag in Labador.
Tiniyak pa ni Labador na wala siyang intensyon na bastusin ang sino man dahil ang gusto niya lamang aniya ay makatulong at magbigay ng “pure motivation”.
“Sana matigil na ang fake news. Sana wag na tayong maging maramdamin. Sana lumaban tayo,” pagwawakas ni Labador.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
A housewife from Calamba, Laguna won the MegaLotto 6/45 jackpot prize amounting to ₱30, 221,
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.