HUMAHABA ang listahan ng mga nabibiktima ng online banking fraud.
Online banking fraud ibig sabihin na-access o nabuksan ng kawatan o sindikato ang bank account ng isang depositor at kumuha o nag-transfer ng pera ng walang pahintulot ng may-ari.
Hindi lang isa kundi mahigit 30-katao na ang lumapit sa BITAG na biktima ng online banking fraud. Iisa ang kanilang sinasabi. Natulog lang sila, pagkagising nila, limas na ang kanilang ipong pera sa bangko.
Sa madaling araw o sa gabi kung saan tulog na at hindi agad malalaman ng mga depositor tumitira ang mga sindikato. Magugulat nalang sila kapag nakatanggap na sila ng text message mula sa bangko tungkol sa naganap na multiple transactions.
Hindi ako naniniwala na walang kasabwat ang mga sindikato na mismong taga-bangko. Posible rin na taga-loob ang mga sindikato o ‘di naman kaya ‘yung mga outsourced nilang customer service.
Para makaiwas at hindi mapabilang sa mga biktima ng online banking fraud, narito ang mga keyword na dapat ninyong tandaan.
Ito ang mga salitang ‘update,’ ‘upgrade.’ ‘to better our service.’
‘We are upgrading our system, we are updating your account we need your information and to better our service.’
Kapag narinig nyo ang mga kataga o word na ito ng tumawag sa inyo na nagpakilalang taga-bangko, kuwidaw na kayo. Huwag na huwag ninyong ibibigay ang inyong mga mahahalagang impormasyon.
Ang iba namang estilo ng mga bank fraudster sini-send ang link sa pamamagitan ng text message, ang tawag dito ay smishing. Kung sa email naman sila nag-send ng link ang tawag dito ay phishing. At kung QR code naman ang binigay nila, ang tawag dito ay quishing.
Kaya kapag nakatanggap kayo nito, huwag na ninyong buksan at burahin ninyo na agad para hindi na kayo mabitag ng mga sindikato.
Kasalukuyan, nakikipagtulungan na ang BITAG sa Committee on Banks and Financial Intermediaries ng Kongreso upang maipatawag, pagpaliwanagin at imbestigahan ang mga bangko kung saan nadadalas ang online banking fraud.
Sa datos ng BITAG, Security Bank at Union Bank ang inirereklamo ng mga depositor na nawalan ng mga milyon at daan-daang libo ng pera.
Ngayon alam nyo na! Nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat.
Mag-ingat, mag-ingat!
Recent News
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.