Trabaho sa isang farm umano sa Maynila na may swimming pool, bilyaran at computers.
Yan ang pangakong stay-in na trabaho na may tila mala-rest house na tirahan ng walong mga pobreng lalaki mula sa Mindanao. Ang mga nasabing lalaki, miyembro pa ng Higaonon tribe sa Mindanao.
Sina Benedict, Clark, Roland, Alex at Rodel kasama sina Rico Jan, Jhonrey at Joden ay isa-isang na-recruit para daw magtrabaho sa Maynila.
Sa kanilang paglipad mula Mindanao, isa-isa silang dinala sa farm ngunit hindi sa Maynila kungdi sa Sabang, Laguna.
Dito na nagsimula ang tila kalbaryo na trabaho ng mga pobre kung saan 3am sila mag-uumpisa ng trabaho at magtatapos ng halos 9am.
“Simula ng trabaho tapos 9am na kami mag-almusal,” ani isa sa mga nagrereklamo.
Bukod sa mahabang oras ng trabaho na walang day off, walang tamang gamit para sa kanilang proteksyon ang poultry farm.
Naka-paa lamang sila habang naglilinis ng dumi ng mga manok.
Underpaid din ang mga trabahador dahil tumatanggap lamang sila ng P6,000 kada buwan o derechong 30 days. Sa Calabarzon, nasa pagitan ng P350-P429 ang minimum wage ng agriculture establishments.
Dahil dito ay napilitan ang walo na tumakas at lakarin ang halos 20 kilometro mula Sabang hanggang Majayjay sa Laguna.
Mula doon ay nagtungo ang mga ito kay Ben Tulfo para doon ilahad ang kanilang naranasan sa naturang farm.
Abangan ang kabuuan ng istoryang ito sa #ipaBITAGmo Lunes hanggang Biyernes, 10-30am-12nn sa IBC TV 13.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.