Maaring makakuha ng calamity loan sa Pag-IBIG ang sa mga miyembro na apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano.
Ito ang tiniyak ni Jack Jacinto, Pag-IBIG media affairs manager na nagsabi pa na available na ang loan nang ideklara ang state of calamity sa Albay noong isang buwan.
“Noong nagdeklara ng state of calamity ang nasabing probinsiya ay agad nating in-offer ang calamity loan sa mga miyembro po natin na nakatira, naninirahan o nagtatrabaho po doon sa Province of Albay. At ang Pag-IBIG Calamity Loan po ay open para po sa mga miyembro nating naapektuhan po dulot ng nasabing kalamidad,” ani Jacinto.
Sa pamamagitan ng multi-purpose cash loan, maaaring makapag-loan ang kanilang mga miyembro ng hanggang 80% ng kanilang savings sa Pag-IBIG Fund at babayaran sa mababang interes.“Ito po ay nagagamit nilang pambayad tuition, pambayad para sa kanilang mga emergency financial needs at sa iba’t iba pa pong mga purposes,” ani Jacinto. “Ito ay open sa lahat ng miyembro na may at least 24 monthly contributions sa Pag-IBIG Fund at aktibong naghuhulog sa Pag-IBIG Fund. At ang pag-apply po nito ay napakadali.”
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.