Legal sa ibang bansa pero sa Pilipinas, iligal ang surrogacy o ang pagbubuntis ng isang babae para sa ibang babae o mag-asawa na hindi magka-anak.
Yan ay ayon sa Department of Health na tinalakay at masusing naimbestigahan ni Ben Tulfo.
Sa kaniyang programang “Bitag Live” Biyernes ng umaga sa IBC TV 13, ibinunyag ni Tulfo at ng kaniyang team on investigators ang umano’y underground surrogacy business sa isang lugar sa Pampanga.
Ito’y matapos lumapit kay Tulfo si “Elena”, isa sa mga babaeng inuupahan ang sinapupunan para maging surrogate mother.
Pahayag ni Elena, tumakas siya sa nasabing establishment dahil sa kakaibang Gawain ng nasabing surrogacy clinic.
“Ang istilo po nila sa surrogacy clinic, pisikal na pakikiagtalik ng kanilang kliyente sa kanilang mga inuupahang kababaihan. So may flavor po ng prostitusyon at the same time pangangalakal. Doble banda,” paglalahad ni Tulfo sa kaniyang programa.
So ang siste, pwedeng upahan o pwedeng “upakan”?
Ayon sa tanyag na healthcare information website webMD.com, ang traditional na surrogate ay ang artificial na pag-inseminate ng sperm ng tatay sa babae na tatayong surrogate mother.
Natunton ng Bitag Team na pinangunahan ni Carl Tulfo ang nasabing surrogate clinic. Si Carl ang susunod sa yapak ng kaniyang ama na si Bitag, Ben Tulfo.
“Lahat (surrogate clinic) inaalagaan. Pero kung gusto mo makipagtalik dadalhin sa hotel. Ano ang tawag dun?” pagbubunyag ni Tulfo.
Sa kabila nito, todo tanggi ang mga tao na nakaharap ng Bitag investigative team sa naturang lugar.
“Kapag kami nagtrabaho meron po talaga kami ginagawa to confront, as a matter of fact give you the due process to explain. Ang ayaw po namin pagdating doon sa halip na magpaliwanag kayo binibigyan kayo ng sinasabing pagkakataon para sabihin kung totoo o hindi. Eh samantalang may biktima tinututro kayo,” ayon kay Ben.
Kaya Ingatan, iwasan markahan ang mga Facebook pages na naghihikayat ng mga pag-aampon o adoption sa pamamagitan ng online.Sakaling makakita ng mga iligal na Gawain katulad ng nasabing surrogacy clinic, huwag kayo mag-atubili na #IpaBITAGmo.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.