Pangungunahan ni San Juan Mayor Francis Zamora ang hakbang para ipunin at pakinabangan ang tubig ulan sa Metro Manila.
Ayon kay Zamora panahon na para magkaroon ang lahat ng siyudad sa Metro Manila ng rainwater catchment para kolektahin ang tubig ulan.
“Pwede po itong gawin sa ating mga lungsod, halimbawa sa amin sa city hall pwede kami magawa ng rain catchment area ganun din sa barangay halls schools at kani-kanyang mga tahanan,” ani Zamora na presidente ng Metro Manila Council.
Ganito din ang plano ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano para sa kanilang siyudad.
‘Yung aming gagawin doon na mga parks and other developments magkakaroon kami ng rain catchment doon sa ilalim ng mga gagawin naming programa,” said Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.
Kamakailan ay inihayag ng Malacanang ang planong P5.86-billion project para sa pagpapatupad ng Republic Act 6716 o ang Rainwater Collection and Springs Development Law of 1989.Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magkaroon ng water impounding facilities sa labas ng Metro Manila upang magkaroon ng mas epektibong water resources management at pagprotekta sa mga coastal communities.
Recent News
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.