Marami pa rin talaga ang may busilak na puso sa mundong ito.
Laking gulat ni Mang Nemesio nang makatanggap ito ng P17,000 sa kaniyang GCash account noong June 10.
Ang problema, walang inaasahan si Mang Nemesio na padala sa kaniya. Mabuti na lamang, walang lahing dorobo si Mang Nemesio kaya’t kinausap niya agad ang kaniyang anak na si Marielle.
“Pa, malaking pera yan, ibalik natin. Kasi kahit na kapos tayo, wala naman tayo intensyon sa buhay. Kung may gusto kami makamit sa buhay, syempre pinaghihirapan namin,” sabi ni Marielle.
Agad na nagpunta ang mag-ama sa studio ng #ipaBITAGmo upang humingi ng payo kay Ben Tulfo.
“Nagpunta po ako dito sir dahil gusto ko lang po makasiguro na kung sila man po ang may-ari isasauli ko po ang pera dahil wala naman ako intensyon,” ayon kay Mang Nemesio.
Sa tulong ng #ipaBITAGmo, na-trace at nadetermina ang tunay na may-ari ng pera, si Aling Lorna.
“Ako po yung may kasalanan dahil na wrong send po ako,” ani Aling Lorna.
Hindi nagtagal ay naibalik ang pera ni Lorna sa kaniyang G-Cash account.
“Kami po ay magbibigay babala sakali po na kayo po’y nakakatanggap ng pera na basta’s andyan lang, nabulaga kayo. Magduda na po kayo kasi baka magamit kayo na nase-set up na kayo,” ani Ben Tulfo.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.