Sisilipin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang application ng distribution utilities (DUs) para sa power cost adjustments sa loob ng dalawang hanggang tatlong buwan.
Ayon kay ERC CEO at chairperson Monalisa Dimalanta, may mga distributors na din ang nagsabi na handa silang mag-refund.
“Meron na ngang at least apat na distributor na ang application nila is actually para makapag-refund din sila. So adjustments could be up or down,” ayon kay Dimalanta.
Sa nasabing hearing ay iimbitahan ang publiko para dumalo at sumali sa mga pagdinig.
“Nagse-set po tayo ng panahon kung kailan po siya ipapataw. So usually po, mga two to three months. Maghe-hearing pa po kasi ito,” ayon kay Dimalanta.
Matapos ang hearing ay idedetermina kung kalian ipapataw ang cost adjustments at kung gaano katagal ito sisingilin.
Dagdag pa ni Dimalanta, kung malaki ang sisingilin, gagawin itong spread out sa iba’t ibang billing periods. Kung refund naman, isang bagsakan lang ang kanilang ipatutupad.48 distribution utilities ang nag-apply nang automatic cost adjustment at true-up mechanisms para sa period ng 2020 at 2022.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.