Alam mo ba ang iyong karapatan kung napinsala o ninakaw ang iyong sasakyan sa establisimyento na iyong pinuntahan?
Ayon kay Atty. Batas Mauricio, maari mong habulin ang may-ari ng establisimyento pagdating sa danyos perwisyo.
Ganito ang nangyari kay Gerald na nanakaw ang motor na kaniyang ginamit papunta sa isang resort noong June 4 sa Baras, Rizal.
Laking dismaya ni Gerald nang sabihin sa kaniya ng mga staff ng resort na sira ang CCTV na nakapwesto sa kanilang parking area.
Sa kanilang paglapit sa #ipaBITAGmo, nilinaw ni Atty. Batas na may habol si Gerald sa resort kung saan nawala ang kaniyang motor.
“Sinasabi po ng korte suprema na kapag ang pagkakawala niyan ay naganap dahil sa kapabayaan ng may-ari, o kaya ang kaniyang mga manggawa ipapasok po ang kaniyang pananagutan na bayaran ang yung nawala, sa ilalim ng artikulo 1170 ng kodigo sibil ng Pilipinas,” ayon kay Atty. Batas.
Laking gulat din ni Atty. Batas nang ikwento ni Gerald na walang guwardiya sa nasabing establishment.
“Matindi poi to, resort pagtapos walang guwardiya, lalong may pagpapabaya. Kitang-kita po yung pagpapabaya ng resort owner dito,” ayon kay Atty. Batas.
Kaya naman ganoon na din ang pagkadismaya ni Ben Tulfo na nangako ng tulong kay Gerald na sinamahan ng kaniyang kapatid na si Gerome sa BITAG Studio.
“Kapag kayo ay establisimyento at binigyan ng permit to operate ng siyudad o munisipyo, may pananagutan po kayo doon po sa mga kliyente na tumatangkilik sa inyong negosyo,” ani Tulfo. “Yun pong lisensiya, katumbas po niyan ay pananagutan o responsibilidad. Kaya kapag may nawala tulad po nito resort kayo, may CCTV kayo pero mga inutil pala CCTV ninyo.”
Nangako din ang imbestigador ng Baras Police, si P/SSG Paulo Bautista ng tulong sa biktima. “Hindi po kami nawawalan ng pag-asa na makikiala namin kung sino salarin na nagnakaw ng motor,” ayon kay Bautista.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.