Pinatalsik na ang warden ng Malabon City Jail matapos mag-welga ang mga inmates dahil sa di umano’y pang-aabuso sa kanila sa loob ng kulungan nito lamang Biyernes ng hapon.
Nagkaroon ng noise barrage ang persons deprived of liberty (PDL) sa pamamagitan ng paggawa ng mga karatula, pagbasag ng mga salamin at pagbabato ng mga bagay sa labas ng pasilidad. Ito ay ginawa upang maagaw ang pansin ng mga opisyal, maging ang mga taong makakakita ng kanilang protesta.
Nais ng mga detainees na tanggalin ang warden dahil sa hindi magagandang pamamalakad nito.
Ang kanilang mga plakard ay may nakasulat na, Ïbaba si warden”, “Kanin may bubog” at “Bulok sistema gutom preso”.
Kinilala ang naturang warden na si JSupt. Joseph Tacdoy na sinibak na sa kanyang pwesto ayon kay Chief Inspector Major Jayrex Bustinera, spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon kay Bustinera, ang noise barrage ay naganap din dahil sa paglipat ng warden sa dalawang preso sa Bicutan Jail. Ang isa pala rito ay itinuturing na “Mayor”ng mga ito sa piitan. Ipinipilit din ng mga inmates na hindi dapat nilipat ang dalawang sinasabing inmates dahil hindi patas at walang maayos na dahilan ang paglipat sa mga ito ni Tacdoy. Ang kaso ay hahawakan ng BJMP at kasalukuyang patuloy ang imbestigasyon sa insidente. Iniulat din na walang nakatakas na inmate sa naturang protesta.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
A housewife from Calamba, Laguna won the MegaLotto 6/45 jackpot prize amounting to ₱30, 221,
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.