Tatlong mga evacuees na ng Mayon Volcano ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa isang panayam sa radio, sinabi ni Eugene Escobar ng Albay Public Safety and Management Office (APSEMO) na agad na-isolate ang tatlo at lahat ng close contacts ng mga ito.
Walang kritikal sa tatlong COVID patients ngunit patuloy ang pagmonitor at pagbibigay ng gamot sa kanila.
Abot naman sa 2,242 na mga evacuees ang humingi ng medical consultation para sa ubo, lagnat, sore throat, sugat, high blood at iba pang mga karamdaman. Ito ay base sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
“Doon po sa health surveillance, nakita po na isa sa pinakamataas na bilang ay yung mga sipon, ubo, o yung mga respiratory-related illnesses, again expected to natin ito dahil po sa mainit po pero umuulan pa rin dito sa amin, naka-expose din po sila sa environment,” ani Escobar. “Although nasa loob po sila ng mga building, medyo mainit din po kaya isa yun sa dahilan po.”
Aminado si Escobat na ang masamang ventilation sa evacuation centers ang nagdudulot ng sakit sa mga evacuees.
Kaya naman paspas ang mga awtoridad sa pagpapadala ng tubig sa mga evacuation centers.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.