Isang lalaki, sinibak matapos makipag-relasyon sa kasamahan sa trabaho na babae na mayroon nang asawa.
Lumalabas na posible pa pala na ang pagsisibak ay makunsidera na hindi makatarungan kung ang batas ang pag-uusapan.
Iginiit ni Nouie, helper ng kumpaniyang Total Safe Development, walang basehan ang pag-sibak sa kaniya kahit na aminado ito na karelasyon niya at kinakasama na ang babae na asawa din ng kaniyang kasamahan.
Sa panayam sa kaniya ni Ben Tulfo at BITAG resident lawyer Atty. Batas Mauricio, sinabi ni Nouie na wala siyang pinirmahan o nakitang manual na nagsasaad ng ano ang bawal at hindi bawal sa kanilang kumpaniya.
Ayon kay Atty. Batas posibleng hindi legal ang pagkakasibak kay Nouie kung totoo na wala ngang malinaw na alituntunin ang kanilang kumpaniya.
“In short, hindi po puwedeng gawing batayan yung nanligaw itong si Nouie dun sa misis na may mister dahil wala naman nakalitaw na alituntunin na nagbabawal nito sa kanilang kumpaniya,” ani Atty. Batas.
Sa paglapit ni Nouie sa #ipaBITAGmo, nais na lamang nitong hingin ang tulong na makuha ang naunang alok na P35,000 ng kumpaniya na tipikal na separation pay.
Una na itong tinanggihan ni Nouie nang magpasiya ito na i-urong ang naunang kaso na kaniyang isinampa sa National Labor Relations Commission (NLRC).
Hindi agad nagkasundo sa bayad ang dalawang panig dahil noong una, nais ni Nouie na P70,000 ang ibayad sa kaniya ng kumpaniya.
Ngunit matapos na maliwanagan si Nouie sa ekplanasyon nina Atty. Batas at BITAG Ben Tulfo ukol sa batas ng separation pay, pumayag na din ito sa P35,000 na alok ng kumnpaniya.“Huwag kang mag-alala at tutulungan kita na makuha ang P35,000 mo sa kumpaniya,” ani Tulfo.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.