Humihingi ang Department of Education (DepEd) ng listahan ng mga guro na may kaugnayan sa organisasyong Alliance of Concerned Teachers (ACT). Ito ay ayon sa binabang memorandum ng DepEd nito lamang Hunyo 14.
Noong nakaraang linggo, Hunyo 25, umalma ang ACT sa memo na binaba ng DepEd
Ayon sa kanila, ito ay lumalabag sa kanilang pagkakaroon ng pribadong buhay, seguridad, at maging ang kanilang freedom of association. Tinawag din ng organisasyon na ito ay isang mabigat na banta para sa kanila at “profiling” daw ang ginagawa ng DepEd sa mga miyembro ng ACT.
Ang memorandum ay naglalaman ng “Request for Submission of the List of ACT Union-Affiliated Teachers Who are Availing of the Automatic Payroll Deduction System (APDS).”
Itinanggi naman ng DepEd na profiling ito at hindi lamang ACT ang hinihingan nila ng listahan. May iba pang mga teacher’s organization ang kanilang hinihingan ng pakiusap na bigyan sila ng mga listahan ng mga guro na nag-avail ng ADPS.
“The sole purpose of consolidating the list of [those availing] APDS from various organizations in the regions is to centralize, connect, update and improve the department’s Human Resource Systems, including the APDS,” ayon DepEd.
Dahil sa patuloy na pag-alma ng ACT, naglabas muli ng pahayag ang DepEd kahapon, araw ng Martes, pinagdiinan ni DepEd spokesperson Michael Poa na walang nilabag na violation kaugnay ng data privacy or data breach. Humihingi naman daw sila ng maayos ng permiso at nakakasigurado sila, na ang seguridad ng mga taong pinagkatiwala ang kanilang personal na impormasyon ay ligtas. Ang ACT ay nais paimbestigahan ang nasabing memorandum order at dadalhin pa umano ito sa Office of the Ombudsman upang maklaro ang isyu.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.