Ang North Luzon Expressway Corporation (NLEX) ay nagsusulong ng pagkakaroon ng toll fee ang connector roads nito, dahil sa halos kalahating milyon na nasasayang umano sa pagdaan ng mga motorista ng libre.
Sa loob ng nakaraang tatlong buwan, libre ang daan at walang toll fee ang connector road ng NLEX. Ito ay pinayagang gamitin ng ganitong katagal upang hayaan ang mga motorista na maranasan ang kaginhawaan sa pagdaan sa nasabing daanan.
Ngunit dahil dito, malaki ang naging epekto nito sa NLEX Corp. dahil malaking pera ang nawala sa kanila sa loob lamang ng tatlong buwan. Sinasabing P473,000 ang araw-araw na lugi sa kita ng kumpanya.
Ayon kay J. Luigi Bautista, NLEX Corp. president and general manager, ang toll fee sa buong NLEX Connector Road ay P125 para sa mga class 1 na sasakyan, mga regular na sasakyan at SUVs nakasaad sa kanilang proposal. Inaasahan na maaprubahan ang ipinasang proposal sa susunod na buwan at masimulan ang pagkakaroon ng toll fee simula Agosto ng kasalukuyang taon.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.