Ipinagpaliban ang mga nakatakdang pista sa Albay dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
Kamakailan lang ay isinuspinde na muna ang selebrasyon ng Pinangat Festival sa Camalig, Albay, na tatlong taon nang hindi naipagdiriwang buhat nang magsimula ang pandemya. Ilan ding mga pinakahihintay na mga pista sa lugar ay kanselado muna upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente rito.
“As Mayor of Camalig, Albay, I understand the importance of the Pinangat Festival in celebrating our beloved town’s distinct and rich culture and heritage.” saad ni Camalig Mayor Caloy Baldo sa kanyang press release noong Hunyo 8 ng hapon .
“However, my main responsibility is to ensure the safety and welfare of my constituents, and after various discussions with our local councils and heads, I now firmly believe that postponing the Pinangat Festival (except religious activities) is the best and practical course of action under the current circumstances” dagdag pa niya.
Aniya, ang geographical location ng Camalig malapit sa danger zone ay noon pa man ay isang alalahanin na ng mga taga rito, ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay lalong naging malapit sa kapahamakan ang lugar. Pinagdiinan din ng alkalde na ang kanyang mga kinasasakupan ang kanyang pangunahing prayoridad.
Gayundin ang Ibalong Festival ng Legazpi City na takda sanang ganapin sa Agosto 11-20 ay kinansela na rin ayon sa nakaraang press release ni Mayor Geraldine Rosal.
Napagpasiyahan ng mga organizers ng pista na ikansela muna ang pagdiriwang upang isaalang-alang ang kaligtasan ng mga taga Legazpi City at ang mga turista na dadayo pa para sa pista.
“With the Province of Albay under a state of calamity, the funds intended for the 2023 Ibalong Festival will be used to ensure that the city government will have enough resources to cater to the need of our constituents should the worst possible scenario occur” ani ni Rosal. Binanggit din ni Rosal na kahit ang festival ay isang oportunidad upang magsaya, hindi pa rin kayang ipagpalit ang kaligtasan ng bawat isa sa banta ng pagsabog ng bulkang Mayon.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.