Umaksyon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) laban sa isang offshore gaming service provider sa Las Piñas City na sangkot umano sa mga kriminal na aktibidad.
Sa isang Show Cause Order ay humingi ng paliwanag ang PAGCOR sa Xinchuang Network Technology, Inc. ukol sa mga paratang na kinakaharap ng kumpanya at bakit hindi dapat kanselahin ang kanilang operasyon.
Kaugnay nito, ipinag-utos din ng PAGCOR ang pagtigil ng lahat ng offshore gaming activities habang isinasagawa ng Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon.
Noong Hunyo 26, 2023, halos isang buwan matapos manmanan ang kumpanya, ay sinalakay ng mga tauhan ng PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang opisina ng offshore gaming service provider.
Nakalap ng mga awtoridad ang mga impormasyon at ebidensya na posibleng nauugnay sa human trafficking, cryptocurrency, love scams, at iba pang ilegal na aktibidad. Nasamsam din sa raid ang mga computer units, SIM cards, cellular phones, at passports na sasailalim sa forensic investigation
Na-rescue ang 1,534 Pilipino at mahigit 1,000 dayuhan mula China, Vietnam, Indonesia, Thailand, Malaysia, Taiwan, at Singapore.
Binigyang-diin ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco ang kanilang pagkondena laban sa mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa offshore gaming.
“We condemn all criminal activities that violate Philippine laws and human rights – regardless of nationality. As we have always said before, PAGCOR will not hesitate to impose sanctions on erring licensees and accredited service providers,” ani Alejandr
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.