Nangako ang housing chief ng bansa na makakapagpatayo ng 100,000 units ng bahay hanggang sa 2024.
Ito ang deklarasyon ni Human Settlements and Urban Development Secretary Jerry Acuzar araw ng Lunes (July 3) sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa isang housing program sa Pampanga.
Sinabi ni Acuzar na mas mapapabilis ang kanilang programa kung mga horizontal row houses ang kanilang gagawin.
“Hindi ganoon kabilis gumawa ng projects. Gagawa ng plano, kukuha ng lupa. Hindi kagaya ng horizontal, hindi puwedeng madaliin baka madaya yung construction. Dapat matibay,” ani Acuzar.
Sa ngayon ay mayroon nang 20 housing projects ang gobyerno na target paabuti ng 50 projects sa loob ng isang taon.
Isa sa mga ito ay binisita ni Marcos ngayong Lunes, ang Crystal Peak Estates na isang 9.8-hectare housing development na pinatatayo ng Social Housing Finance Corporation sa San Fernando City, Pampanga.”Maliban sa pabahay, hangad ng programang ito na mabigyan ng isang matiwasay na komunidad ang mga maninirahan. Bukod pa riyan, siniguro din natin na ang residential units ay malapit sa mga eskwelahan, sa mga ospital, pamilihan, at iba pang mga recreational facilities,” ani Marcos.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.