Hindi tutol ang labor department sa suhestiyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dagdagan pa ng P100 ang minimum wage.
Sa isang panayam sa radio, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na malayo pa sa kung ano ang sapat na sweldo ang kasalukuyang minimum wage.
Ngunit dapat din aniyang isa-alang alang ang kapakanan ng mga negosyante at ang pagkakaroon ng pagkakataon na madagdagan pa ang job opportunities sa bansa.
“Tayo po ay hindi kumokontra dahil ang pagpapanukala ng batas ay mandato ng ating lehislatura. Ang napakahirap na trabaho ng ating regional tripartite wage and productivity board ay balansehin ang kakayahan din ng mga mamumuhunan lalo isasangalan-alang na karamihan ng ating mga negosyo ay nasa kategoryang MSMEs,” ani Laguesma.
Kailan lang ay nagdagdag ng P40 sa minimum wage hike sa National Capital Region na ayon naman kay Zubiri ay hindi maituturing na sapat.
Una nang ipinapanukala ni Zubiri na dagdagan ng P150 ang minimum wage ngunit payag din naman aniya ito na ibaba pa ang halaga ng wage hike na nais niyang ipaglaban. “So what we could do is amend it and come up with the committee report, propose a P100 minimum wage increase — an additional minimum wage increase for our workers,” ani Zubiri sa isang television interview.
Recent News
In a significant step towards ensuring the health and well-being of public school students, the
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.