Sa pag-aaral na ginawa ng mga Pilipinong scientists, natuklasan nila ang pagkakaroon ng microplastics sa ilang bahagi ng Laguna Lake.
Napatunayan ito ng mga Pinoy scientists na sina Hernando Bacosa Cris Gel Loui Arcadio mula sa Mindanao State University, nang isina-publiko noong Nobyembre 2022 ang kanilang pag-aaral at pananaliksik na nag-kumpirma sa pagkakaroon ng microplastics sa ilang bahagi ng Laguna de bay. Ito rin ang unang pagkakataon na nagkaroon ng detalyado at may sapat na ebidensya na magpapatunay na mayroon ngang matatagpuan na microplastics sa lawa.
Ang lawa ay pinagmumulan ng pangkabuhayan sa paraan ng pangingisda ng maraming komunidad simula pa noon. Tinatayang 151,000 metric tons ang inabot ng fish production noong 2012 base sa datos ng Laguna Lake Authority.
“The results show that there is a higher microplastic density in areas with high relative population density, which necessitates implementing proper plastic waste management measures in the communities operating on the lake and in its vicinity to protect the lake’s ecosystem services” ayon sa naging pag-aaral.
Sinasabi ng pananaliksik na ang pagkatuklas ng microplastics sa Laguna de bay ay isang pahayag na mayroong polusyon sa plastik ang lawa. Ayon pa rito, natagpuan ang malaking porsyento ng microplastics sa mga lugar na mas nakakaapekto ang human activities. Ibig sabihin nito, hindi maayos ang nagiging waste management na dumidiretso sa tubig. Ito ay sinasabing maaaring o hindi maaaring maging panganib sa kalusugan ng mga tao. Gayunpaman, ang mga particples na natagpuan ay mga bagay na hindi dapat nakikita sa anumang anyong tubig. Hapyaw naman ni Engr. Patrick Dizon, division manager of Metropolitan Waterworks and Sewerage System’s (MWSS), nilinaw niya na ligtas at malinis ang nakukuhang tubig mula sa lawa. Hindi ito magiging panganib sa mga tao at hindi hahayaang maging kontaminado sa microplastics.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.