Mahigit isang daang libong pisong halaga ng droga ang nasabat ng mga awtoridad sa dalawang suspek kabilang ang isang 22-anyos na lalaki matapos ang isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ang mga suspek na sina Jerome Amador alyas Potpot, 22-anyos, residente ng Brgy. 118 Caloocan City at Michael Sunga, 37, nakatira rin sa nasabing barangay.
Ayon sa NPD-District Drug Enforcement Unit, isang impormasyon ang kanilang natanggap mula sa Regional Intelligence Unit Manila District Intelligence Team (RIU MDIT) na nag resulta sa pagkakaaresto ng mga suspek alas 11 ng gabi noong Peb. 11, Sabado.
Nakumpiska sa mga suspek ang apat na heat-sealed transparent sachet na naglalaman umano ng 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.
Nakatakdang sampahan ng mga karampatang kaso ang mga suspek.