3 Senador umaatungal! Reputasyon ng Pinas nasira daw ng pelikulang “Plane”

Alam kaya ng ilang mga senador natin ang pagkakaiba ng kathang-isip at reyalidad?

Kathang isip, pang-pelikula. Fiction.

Reyalidad, katotohanan. Base sa tunay na buhay.

Ito kasing tatlong senador, sina Sen. Robinhood Padilla, Sen. Migz Zubiri at Sen. Bato Dela Rosa, umaatungal. Hindi daw katanggap-tanggap ang ginawang portrayal ng Hollywood film na “Plane” sa bansang Pinas.

‘Yun yung binanggit ng bidang si Gerard Butler sa isang scene kung saan nag-crash ang minamaneho niyang eroplano sa Jolo sa Mindanao. Mali pa nga ang bigkas ng aktor sa Jolo as in “Jow-low.”  

Kaya ang panawagan ni Sen. Padilla sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ngayon, i-ban ang pagpapalabas sa publiko ng nasabing pelikula.  

Sagot naman ni Sen. Bato, “very much disgusting” ang pelikula at nalagay sa masamang imahe ang bansa. Hindi naman daw nangyayari ang pagpugot ng ulo sa Mindanao ng walang dahilan.

Pero itong si Sen. Zubiri, bumalanse. Ang ipinakitang senaryo daw sa Jolo  sa “pelikulang Plane” ay hindi ang totoong sitwasyon sa lugar.  

Mawalang-galang lang po mga magigiting naming senador. Masyado naman kayong mga balat sibuyas.

Sayang lang ang laway nyo dyan sa pag-aatungal at tamporurut nyo na yan. Pagtatawanan lang kayo ng Hollywood sa Amerika. Baka lalo pang kumita ang Plane.  

Napakaraming problema ng bansa yun ang pagtuunan nyo ng pansin.   

Oh, sa mga nagtatanong. Panoorin nyo nalang ang trailer ng “Plane” sa YouTube. Kayo na ang bahalang bumalanse.   

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x