400 KATUTUBONG DUMAGAT SA BULACAN, PINAMASKUHAN NI VP SARA

Personal na naghatid ng pamaskong handog si Vice President Sara Duterte sa mga katutubong Dumagat sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan kahapon, Dec. 18.

Naging madamdamin ang paghahatid ng food packs ng Office of the Vice President (OVP) dahil sa rebelasyon ng mga katutubo.

Kwento ng isang lider ng grupo, si Duterte ang kauna-unahang politiko na bumalik sa kanilang lugar pagkatapos ng halalan.

Ayon kay Jimmy Cruz, dating chieftain ng mga katutubo, ang ipinapakitang pagmamahal ng Bise Presidente sa mga Dumagat ay magsisilbing inspirasyon para muling magtiwala ang mga maliliit na mamamayan sa mga pangako tuwing halalan.

Simula nang ako’y magkaisip, hanggang ngayon, siya lang po ang nakikita naming na pumunta sa aming mga katutubong Dumagat,” wika ni Cruz.

Mismong si Duterte ang nag-abot ng “Pamasko packs” sa 400 Dumagat na residente ng Brgy. Kalawakan. Ang barangay na ito ay dating binisita ni Duterte noong kampanya.

Paliwanag ng Bise Presidente, ang muli nilang pag-iikot sa mga lugar na dinaluhan nila noong campaign elections ay bahagi ng programang “Balik Pasasalamat” ng OVP.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Duterte na dapat isabuhay ang tunay na diwa ng Pasko tulad ng pagpapalaganap ng pagmamahalan, pagpapatawad, at pagbibigayan.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x