5 VINTAGE BOMB NAHUKAY SA ISANG WAREHOUSE SA DAVAO

Limang vintage bomb ang aksidenteng nahukay ng mga residente sa Sitio Awa, Catalunan Grande, Davao City kahapon, Nob. 23.

Ayon kay PMaj. Noel B Villahermosa, Station Commander ng Talomo Police Station 3, bandang alas-3:30 ng hapon nang lumapit sa mga nagpapatrolyang pulis ang excavator operator na si Lalaw Cloma Jr.

Ipinagbigay alam nito sa mga pulis ang nahukay nilang mga bomba habang naghuhukay sa ginagawa nilang warehouse.

Kumpirmadong 75mm unexploded ordnance (UXO) ang mga nahukay na bomba na tumutimbang ng anim na kilo bawat isa.

Ang mga nahukay na vintage bomb ay ibinigay sa pangangalaga ng Mandug, Davao City.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x