50 KATAO SA CENTRAL MYANMAR, NASAWI DAHIL SA AIRSTRIKE

Hindi bababa sa 50 katao ang napatay sa central Myanmar noong Martes dahil sa air strike na ginawa ng  militar sa isang kaganapan na dinaluhan ng mga rebelde.

Ayon sa mga news sites sa Myanmar, naipa-balita na nasa 50 hanggang 100 na katao kabilang na ang mga civilian ang namatay dahil sa air strike.

Ayon sa isang miyembro ng People’s Defense Force (PDF), nangyari ang air strike habang ginaganap ang kanilang seremonya

“So far, the exact number of casualties is still unknown. We cannot retrieve all the bodies yet,”  saad ng miyembro ng People’s Defense Force.

Ang insidente noong Martes ay maaaring isa sa mga pinakanakamamatay sa hanay ng mga air strike mula noong inatake ng isang jet ang isang konsiyerto noong Oktubre, na ikinasawi ng hindi bababa sa 50 sibilyan, local singers at miyembro ng isang armadong grupo ng etnikong minorya sa Kachin State.

Noong nakaraang buwan, hindi bababa sa walong sibilyan kabilang ang mga bata ang napatay sa isang air strike sa isang nayon sa hilagang-kanluran ng Myanmar, ayon sa isang human rights group.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x