6 NA EMPLEYADO NI TEVES, NASA KUSTODIYA NG CIDG

Nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang anim na empleyado ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. matapos ang isinagawang raid noong Biyernes.

Sa paghahalughog ng awtoridad sa tatlong bahay ni Teves, nakumpiska ang iba’t ibang kalibre ng armas, mga bala at hand grenade.

Kasalukuyan pa din nasa Estados Unidos si Teves para sa kanya umanong pagpapagamot.

Nanawagan din noong Biyernes si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kongresista na bumalik na ng bansa at harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Samantala, sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kailangan magkaroon ng threat assessment ang Philippine National Police sa bawat lalawigan ngayon papalapit na ang Barangay at SK election.

Sa pananaw ng senador, kailangan bantayan ang komunidad mula sa “political terrosism” na nagiging banta sa mga opisyal at nadadamay ang mga inosenteng sibilyan.

Sa kaso kasi na nangyari kay Degamo, nakumpiska sa mga suspek ang ilang mga high powered firearms na malinaw aniya na plinano ang pagpatay ayon kay Zubiri.

Una nang kinumpirma ni Zubiri na humingi sa kanya ng tulong si Degamo dahil sa natatanggap nitong death threat noong pang taong 2020.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x