Nasapul sa video ang aktuwal na panggigilit ng raiding team ng Philippine National Police (PNP) sa anim na pirasong manok panabong sa Zamboanga City.
Hindi na naitanggi ng mga tauhan ng Sta. Maria Zamboanga City Police Station 7 nang ipakita ng BITAG Multimedia Network (BMN) ang bidyong ipinadala sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo.
Sa ipinadalang video ni Ginang Adelina Cruz, kitang-kita sa video ang anim na armadong kalalakihan habang iniisa-isang ginigilitan sa leeg ang anim na manok panabong.
Sapilitan umanong pumasok sa kanilang bakuran ang mga lalaki na nagpakilalang mga pulis.
Magsasagawa raw ng raid ang grupo sa lugar dahil sa natanggap na tip hinggil sa iligal na pasabong o tupada.
Ayon kay ginang Cruz, walang nakitang tupadahan sa kanilang bakuran kaya’t napagdiskitahan daw ng mga pulis ang kanilang mga alagang manok.
Bistado ang iligal na estilo ng mga pulis kaya ipinaabot ng #ipaBITAGmo ang insidente sa hepe ng Sta. Maria Zamboanga City Police Station 7.
Agad nakipag-areglo ang anim na pulis sa complainant at nangakong babayaran nila ang mga minasaker na manok.
Ang buong kuwento panoorin sa: