83 OVERSEAS PINOY, NAHAHARAP SA BITAY

Nasa walumpu’t tatlo (83) na mga Pilipino sa iba’t ibang bansa ang nahaharap sa death penalty, ayon sa opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay DFA Assistant Secretary Paul Raymund Cortez sa House committee on Overseas Workers Affairs, sinabi niya na mahigit sa kalahati ng bilang nito ay may kasong murder habang 18 naman ang may kinalaman sa illegal na droga.

Kabilang sa datos ang 56 na overseas Filipino (OF) sa Malaysia, 6 sa United Arab Emirates, 5 sa Saudi Arabia at 15 iba pa ay nasa mga bansang Bangladesh, China, Vietnam, United States, Japan, Brunei at Indonesia, kung saan nakapila sa death row si Mary Jane Veloso.

Matatandaang naudlot ang pagbitay kay Veloso noong April 2015 matapos magbigay ng testimonya ang mga recruiters na umano’y nanloko at nagsangkot sa kanya sa drug trafficking.

Dagdag pa ni Cortez, may 1,267 na Pinoy ang kasalukuyang nakakulong dahil sa mga ibat ibang kasong kinakaharap ng mga ito, habang 2,104 naman ang patuloy na sumasailalim sa paglilitis.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x