88,000 DEBOTO SUMAMA SA “WALK OF FAITH” PARA SA ITIM NA NAZARENO

Pagkatapos ng dalawang taong walang public gathering para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno, isang ‘Walk of Faith” ang inilunsad ngayong araw ng Minor Basilica of the Black Nazarene kapalit ng tradisyunal na “Translacion” o pagpasan sa poon.

Nagsimula ang alay-lakad o ‘walk of faith’ sa Quirino Grandstand bandang ala-1:00 ng madaling araw at nakarating ang head o ulo ng prusisyon sa Quiapo Church dakong alas-4:15 na ng umaga kanina, Jan. 9.

Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, umabot sa 88,000 deboto ang sumama sa walk of faith kahit hindi pinayagan sa alay-lakad ang tradisyunal na pasan sa andas at ang paghila sa lubid ng andas kung saan itinuturing na milagroso at nakakapagpagaling ng mga sakit at nagbibigay ng spiritual healing sakaling ito ay mahawakan habang umuusad ang translasyon.

Ginawa ng Minor Basilica of the Black Nazarene ang alternatibong pagtitipon kapalit ng translasyon upang gunitain ang simbolikong pagpupugay sa milagrosong poon na itinuturing ng milyon-milyong deboto na tumutupad ng mga kahilingan.

Hindi rin pinayagan ngayong taon ang simbolikong ‘pahalik’ sa poon dahil sa pag-iingat sa hawaan sa Covid-19.

Binuksan ang public viewing sa orihinal na poon ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Luneta Park simula noong Sabado, bago ito ibinalik sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Maynila ngayong Lunes.

Ngayong araw, Enero 9, 2023 ang Kapistahan ng Nuestro Padre Señor Jesus de Nazareno kasabay ng Pista ng Quiapo.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x