Agad bumisita upang magpaliwanag ang kilalang International Boxing Matchmaker sa tanggapan ng BITAG, matapos siyang ireklamo ng isang Professional World Boxer na si Jessie Rosales.
Ang nasabing International Matchmaker ay kinilalang si Ronald Jerez.
Sa telepono, nakausap ni Jerez ang Host ng #ipaBITAG na si Ben Tulfo, Biyernes ng hapon, a-17 ng Hunyo.
Tanong ni Ben Tulfo kay Jerez – “Kanino napunta ang premyo ng boxer?”
“Kay (Jessie) Rosales mismo! Ang na-receive niya lang US $2,500,” sagot ni Jerez.
“Teka lang parang may magic dito! Paano naging US $2,500 eh dapat sa kanya yung buong US $4,000. Saan napunta yung US $1,500 ” tanong ni Ben Tulfo.
”Pina-deduct ko po sa Promoter,” tugon ni Jerez.
Si Jessie Cris Rosales na nanalo ng ilang World Boxing Championship Titles mula sa ibat-ibang bansa.
Sa kasalukuyan si Jessie nagkamit ng 23 WINS, 5 LOST at 10 KNOCKOUTS.
Kabi-kabila na rin ang parangal ang kanyang naiuwi dahil sa sports na ito.
Ngunit sa kabila nito, ay nagkaroon si Rosales ng malaking problema sa kanyang matchmaker na si Ronald Jeres.
Ayon sa kanyang reklamo sa #ipaBITAGmo, agad daw binawasan ng walang paalam ng kanyang matchmaker na si Jeres ang kanyang premyo.
Sa halip daw kasi na matanggap ng buo ang USD 4000 na kabuuang premyo, ay binawasan daw ni Jerez ng USD 1500 ito para sa debut ng kanyang anak.
“Totoo po iyun! Humingi ako ng pabor,”pag-amin ni Jerez.
“Pumayag ba si Jessie (Rosales)?,” tanong ni BITAG.
“Dumiretso na po ako sa Promoter,” sagot ni Jerez.
Ito ang rason kung bakit napadpad ang inirereklamo na matchmaker sa tanggapan ng BITAG, upang magpaliwang mismo kay Ben Tulfo.
Matatandaan na inere ng BITAG ang reklamong ito, nadawit din sa usapan ang tumatayong manager na si Donna Hope Canete.
.
Malaking katanungan para kay Canete kung bakit daw naubos agad ni Rosales ang nakuhang premyo.
Bukod dito naging sentro din ng kontrobersiya ang Games and Amusement Board o GAB, ang ahensya na dapat nakatuon sa mga benepisyo at seguridad ng mga atletang Pinoy.
Dahil dito, natuklasan ni Ben Tulfo ang mga dahlia kung bakit pinagsamantalahan ang mga boksingero.
Abangan ang mas malalim na imbestigasyon ng BITAG sa isyu na ito.
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.