HUMIHINGI at nananawagan sa pamahalaan ang ating mga nurses na bigyan sila ng karagdagan at disenteng sahod.
Ayon sa Filipino Nurses United (FNA), sa kasalukuyan mahigit 100,000 nurses sa pribadong ospital sa Metro Manila ay tumatanggap lamang ng P537 per day, mas mababa ito kung ikukumpara sa mga ospital sa labas ng National Capital Region.
Kumbaga, P13k kada buwan lamang ang kanilang sinasahod. Sa likod pala ng malalaki at magarbong mga gusali ng mga pribadong ospital, ay mga underpaid na nurses.
Panawagan ng grupo ay dapat gawing P50,000 ang entry level salary ng mga nurses sa ating bansa, pribado man o pampubliko.
Madalas naaabuso ang ating mga fresh graduate professionals, pinagsamantalahan sila ng mga mga malalaking kumpanya sa kadahilanang kumukuha lang daw ng work experience ang mga ito.
Parang isang revolving door kung iisipin, papasok ang mga bagong graduate na underpaid, kukuha ng work experience at aalis na upang maghanap ng mas magandang trabaho.
Hindi natin masisi ang mga nurses sa ganitong estilo dahil sobrang baba ng kanilang mga sahod, yung iba pa nga pikit matang nagtatarabaho sa ibang bansa dahil sa mas magandang kita at oportunidad.
Nararapat lang na itaas na ang sahod ng ating mga professional nurses lalo na’t naging importante ang kanilang ginawang paglilingkod at pagseserbisyo nitong pandemya dulot ng COVID-19.
Walang katumbas ang naging paghihirap at sakripisyo ng mga nurses kasama pa ng iba pang manggagawang pangkalusugan.
Kaya hindi lang simpleng “salary increase”, bagkus ay yung DISENTE at nakakabuhay na pasahod ang dapat nilang matanggap.
Ang nakaraang administrasyon ay ipinagkalooban ng dagdag sahod ang mga kapulisan at mga sundalo, sa aking palagay oras na para mapansin naman ang ating mga medical frontliners lalo na ang mga nurses.
Hindi ko tuloy maiwasang maisip na baka may mga ilang aburidong nurses ay dahil wala silang sapat na sahod. Pagod na sa trabaho, gutom pa ang kanilang mga pamilya dahil sa mababang sahod.
Ito ang huba’t hubad na katotohanan, reyalidad para sa madaming nurses, isang tabi muna natin ang usapan at bangayan sa politika.
May mga pangangailangan ang ibang sector na dapat iprioridad at bigyan ng pansin.
Ngunit ang importantent katanungan, may tatablan kaya sa sigaw ng ng mga nurses? Mapapagbigyan kaya ang matagal na nilang hinihiling?
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.