Interesado ang Bureau of Immigration and Deportation o BID na silipin ang operasyon ng Xinlong International Corporation na hinihinalang pronta ng iligal na operasyon ng POGO sa loob ng Clark Pampanga.
Ito ang pahayag Dana Sandoval, tagapagsalita ng BID sa ekslusibong panayam ni Ben Tulfo sa programang #ipaBITAGmo.
Ginawa ni Sandoval ang pahayag matapos magsanga-sanga ang reklamo ng 2-army reservist na hindi nabayaran ng sahod.
Reklamo ng dalawang dating army reservist hindi nila natanggap ang kanilang sahod sa Chinese national na kanilang sinesecure na nakilalang si Rico Co.
Nang matanong kung ano ang negosyo ng Chinese national, may ari raw ito ng hinihinalang iligal na POGO.
Ayon kay Sandoval, kailangang magkaroon ng ‘case build up’ bago makakilos ang BID, sa mga dayuhan ng pinaghihinalaang lumalabag sa mga ‘immigration laws.’
Sa kaso ni Xinlong International Corporation, sinabi ni Sandoval, na malaki ang maitutulong ng mga nagrereklamong empleyado laban sa sinasabing may-ari ng Xinlong International Corporation na pinaghihinalang pronta ng operasyon ng iligal na POGO.
Anumang impormasyon na makakatulong sa ‘case build up” laban sa mga iligal na dayuhan na nasa bansa ay iipunin at pag-aaralan para magkaroon ng ‘mission order’ na magmumula sa Commissioner ng BID.
Nakausap rin ni Sandoval, sa pamamagitan ng #ipaBITAGmo ang mga sinasabing ‘Tea Girls’ na pinangakuan ni Rico Co na magta-trabaho sa Casino. Subalit ng magsimula na ay pinagtimpla ang mga babaeng empleyado ng tsaa at kape sa mga bisita ng Chinese national.
Ayon kay Andrea, isa sa mga tea girl, may nakita silang 50-mga chinese national sa VIP room ng kanilang pinagta-trabahuhan, bagay na nagtanong si Sandoval kung ano ang ginagawa ng mga ito.
Ayon kay Andrea, wala na silang alam dahil hindi naman sila nakakapasok sa loob.
Ayon kay Sandoval, mahalaga ang mga impormasyon na maibibigay ng mga empleyado kaya dapat munang kumuha ng mga impormasyon bago makpagsagawa ng anumang aksiyon ang BID.
Sa pamamagitan ng #ipaBITAGmo, nanawagan si Sandoval sa publiko at komunidad sa lugar na ipagbigay sa kanilang kaalaman ang anumang impormasyon may kinalaman sa mga iligal na dayuhan na nasa bansa.
Samantala, sinabi rin ni Sandoval na aabot sa 370 mga naarestong dayuhan ang nakatakdang ipatapon palabas ng bansa o ideport dahil mga nagawang krimen.
Aaabot naman sa 48-libong mga dayuhan ang kinansela ang Visa at pinayuhang boluntaryong umalis ng bansa sa loob ng 59-araw para hindi makasuhan.
Karamihan sa mga dayuhang nakanselang ang visa ay lumabag sa kanilang immigration status, ayon kay Sandoval.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.