Nakatikim ng matinding hagupit ang inirereklamong si Charm Darilag mula kay dating Mayor at ngayon ay Congressman na ng District 1 ng Lungsod ng Valenzuela na si Rex Gatchalian.
Matatandaang sa public service program ng BITAG lumapit ang grupo ng mga residente sa Valenzuela na biktima ng panloloko ni Charm.
Kinaladkad kasi ni Charm ang pangalan ni Gatchalian sa negosyo nitong pautang at investment scam.
Nalaman ng BITAG na inaanak pala ni Cong. Rex Gatchalian sa kasal ang inirereklamo, kaya naman ganun na lang kung gamitin ni Char m ang pangalan ng bagong upong kongresista.
Ang perang kanilang ipinapautang ay ginagamit daw ng mga empleyado sa Valenzuela City Hall kong saan nagtatrabaho din ang nanay at asawa ni Charm.
Nagpantig ng tenga ni Cong. Rex nang mabalitaan na ang pautang na pera, ginagamit din daw sa mga bidding ng mga proyekto sa Engineering Office ng Valenzuela.
Agad nakipagugnayan ang BITAG sa tanggapan ni Cong. Rex Gatchalian, ang galit na Kongresista ipinatawag ang mga inirereklamo sa kanyang opisina.
“LUMABAS DYAN SA MADUMI MONG BIBIG YUNG PANGALAN KO! BAKIT MO AKO HIHINGAN NG TULONG PARA SA KAGAGUHAN MO! WALA AKONG MALAY SA TRANSAKSYON MO, TANTANAN MO AKO!”
Tutulong ang tanggapan ni Cong. Rex na masampahan ng kasong syndicated estafa si Charm Darilag.
Hindi rin daw ligtas ang mga kamag-anak nito na empleyado ng City Hall, ipapatanggal daw kasi ni Cong. Rex ang mga ito kung mapapatunayang may ambag sila sa panlolokong ito.
“GINAMIT NILA ANG KATUNGKULAN NILA PARA IPAKITA SA IBANG TAO, KASAMA SILA SA ETHICS CASE, TERMINATION OR ANY POSSIBLE PUNISHMENT”
Ang bulok na estilong ito hindi na bago, ang pag gamit ng mga pangalan ng mga personalidad o VIP upang makapangloko, ultimo pangalan ni BITAG, Ben Tulfo gamit na gamit ng mga dorobo.
Paalala ng BITAG, maging matalino at wag magpapaloko.
Panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.