SIMPLE lamang ang sumbong ng dalawang army reservists na lumapit sa BITAG. Ibigay na ang ilang buwang sahod na kanilang pinagtrabahuan bilang security details sa isang POGO Executive sa Clark.
Bakit nadawit ang isang heneral ng Armed Forces of the Philippines Reserve Command? Ito ang nagdala at nagpakilala sa mga army reservists sa dayuhang Chinese.
Sa unang interview ng BITAG kay General, pinagdiinan niyang nabayaran na ang dalawang nagrereklamo. Umabot pa raw sila sa Department of Labor and Employment (DOLE), nadismissed na daw ang kaso.
Kaya ang daing ni General, extortion na raw ang paniningil sa kaniya ng dalawang army reservists. Pinangatawanan niyang, nabayaran na ang dalawa at wala na itong dapat pang habulin.
Subalit hindi bumenta sa BITAG ang kaniyang mga dahilan. Hindi namin tinantanan ang sumbong at hindi namin iniwan sa laban ang dalawang nagrereklamo.
Nang magtrending ang sumbong na ito sa YouTube, maraming Pilipino ang naglabas ng galit. Nagisa si General at ang kumpanya ng POGO sa comment section.
Dito, pumayag si General na pumunta sa aming tanggapan upang personal na magpaliwanag ng kaniyang panig.
Huwebes nang nakaraang linggo, ikinagulat ng BITAG ang pagsulpot ng isang abogado. Nagpakilala itong legal counsel ng dayuhang Chinese na inirereklamo.
Dalawa sila ni General, isinalang ko sa ere at hinarap ang isa sa mga nagrereklamong army reservist.
Ang sana’y bayaran, nauwi muna sa sumbatan. Kinasuhan niya umano ng perjury at cyber libel ang dalawa dahil sa mga reklamo daw nito sa BITAG na walang katotohanan – STRIKE 1!
Tinanong ko kung totoo ba na sa kaniya ang mga high powered-guns na bitbit ng dalawa sa picture na ipinakita sa amin. Sa kaniya naman daw talaga ito – STRIKE 2!
Pagbaling ko kay Attorney, agad itong umamin attorney na isang buwan pa lamang ang kanilang nababayaran. Dala daw niya ang pera pambayad sa 3 buwan pang sahod na kinukuha ng dalawang nagrereklamo- STRIKE 3!
So anong basehan ni General para sampahan ng kaso ang dalawang army reservists? Nasira daw ang kaniyang reputasyon bilang isang doktor – libre daw kung siya’y manggamot at mag-opera subalit ganito ang kaniyang sinapit.
Payo ko, bago pa madamay ang kaniyang tunay na propesyon – iurong na ang kaso laban sa dalawang army reservists dahil wala itong basehan.
Baka lumalim pa ang imbestigasyon, lalo’t mainit ngayon ang isyu ng POGO sa Senado. Sagot sa akin ni General – pag-iisipan daw niya.
Eto ang misyon ng BITAG, tumayo, lumaban, itabla ang mga maliliit nating kababayan laban sa pananamantala’t panga-abuso ng may posisyon, otoridad o may kapangyarihan sa lipunan.
Ang ending – mission accomplished. Nabayaran na ang dalawang army reservists. Kung sa umpisa pa lang, ibinigay na ang kanilang sahod – hindi na aabot ang lahat sa puntong ito.
Recent News
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.