THE QUALITY OF YOUR COMMUNICATIONS DEFINES THE QUALITY OF YOUR ORGANIZATION.
Ang kalidad ng iyong komunikasyon, sa anumang lebel, itaas man, gitna at sa ibaba – sa baba, sa gitna, paitaas – dapat klaro at malinaw.
Yong tinatawag na ‘flow of communication’ order man yan, memorandum, circular, directive at iba pang porma ng kautusan dapat alam ng lahat.
Sabi nga, “cascaded” from the top all the way down.
Anumang organisasyon o saanmang departamento ng pamahalaan, anumang utos – nakasulat man o verbal dapat malinaw sa lahat at naiintindihan lalo na sa ibaba.
Ang tinutukoy ko, ‘yung isyu ng surprise visit ng mga nakasibilyang pulis sa bahay mga mamamahayag. Maraming umalma’t lumikha ng panic sa panig ng mga mamamahayag.
Natural lang na pumalag, matakot at maalarma ang ating mga kasamahan sa hanapbuhay.
Sino ba namang hindi magugulat nang biglang may kakatok sa bahay mo, mga nakasibilyang lalaki at tatanungin ka kung may banta sa iyong buhay.
Ito ang gusto kong tumbukin, ang kalidad ng komunikasyon sa PNP. Sumablay ang ‘flow of communication’ tuloy naapektuhan ang kalidad ng organisasyon.
Dapat bago binisita ng mga pulis ang bahay ng ilang ‘mediamen’ kumuha muna ng “clearance’ o ‘ guidance’ mula sa itaas.
Maganda naman ang layunin na protektahan ang mga nasa Fourth State. Subalit sana, sinabi muna sa media na “mga chief bibisita ho ang mga pulis sa mga bahay ng mediaman’ na nasasakop ng kanilang distrito.
Nililinaw lang natin ang nangyari dumireto agad ang nasa ibaba na wala ang malinaw na direktiba mula sa itaas.
Bara-barang ipinatupad ang direktiba kaya sumablay dahil ang ‘flow of communication’ ay hindi nasunod o sinunod.
Para magkaroon ng ‘damage control’ inako na ng itaas ang responsibilidad, kahit ang pumalpak ang nasa ibaba.
Simple lang ang aking masasabi, hihiramin ko muna ang pamosong linya ni Donya Delilah sa palabas noon na John and Marsha: “kaya ikaw Johh masumikap ka, nang sa gayon ay hindi ka pumapalpak.”
Magsumikap ka diyan upang gumanda ang inyong pamumuno at pangangasiwa.
Gets nyo mga Bosing!
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.